Defensor

BBM, Mayor Inday malabo ng matalo

331 Views

KUNG pagbabatayan ang resulta ng survey ng iba’t ibang kompanya, malabo na umanong matalo pa sina UniTeam presidential betFerdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential candidate Sara Duterte.

Ayon kay Quezon City mayoral candidate at Anakalusugan Rep. Mike Defensor masyadong malaki ang kalamangan nina Marcos at Duterte para maungusan pa ng kani-kanilang kalaban lalo at isang buwan na lamang ay eleksyon na.

“It is now statistically impossible to overtake Bongbong Marcos and Sara Duterte in time for the May 9 elections, which is just over a month away. This shows that the message of unity that has espoused by both Marcos and Duterte has truly stricken a chord with Filipinos,” sabi ni Defensor.

Sa pinakahuling resulta ng survey na isinapubliko ng Pulse Asia, nasa 32 porsyento ang kalamangan ni Marcos sa pumapangalawang si Vice President Leni Robredo.

Si Duterte naman ay lamang ng 36 porsyento kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Kung ikukumpara sa mga nagdaang presidential elections, ipinaliwanag ni Defensor na walang makatatapat sa lamang ni Marcos kaya masasabi na “may nanalo na.”

Sa halalan noong 2004, tatlong porsyento lamang ang kalamangan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kay Fernando Poe Jr. samantalang si dating Pangulong Benigno S. Aquino III ay nakalamang lamang ng 19 porsyento kay dating Pangulong Joseph Estrada batay sa mga survey isang buwan bago ang halalan.