BBM-Sara

BBM, Mayor Sara mas madalas magsasama sa pangangampanya

339 Views

MAS magiging madalas na umanong makikitang magkasama sa pangangampanya sina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte.

Batay sa schedule sa buwan ng Marso, sinabi ni Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) President at House Majority Leader Martin Romualdez na magsasama ang dalawa sa mas maraming pagkakataon.

“We will be unveiling the schedules for the month of March and you will be seeing actually more of the UniTeam campaign together,” sabi ni Romualdez, campaign manager ni Duterte.

Napansin umano ng UniTeam na iba ang pagtanggap ng publiko kapag magkasama sina Marcos at Duterte batay sa mga naunang pangangampanyang isinagawa.

“Nakikita po natin na while they try to cover as much territory as possible, nakikita natin, pag [mag]kasama ang UniTeam, napaka-explosive ng reaction ng tao. Di ba? So we have seen na nagre-resonate talaga itong UniTeam campaign and they really like to see Mayor Inday Sara with BBM campaign together so we will try to also give that to the people,” dagdag pa ni Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na may mga pagkakataon na maghihiwalay sa pangangampanya ang dalawa upang mas maraming lugar ang madalaw lalo at halos dalawang buwan na lamang ay eleksyon na.

“You will see a more cohesive, a more coordinated, a more focuses and a more successful campaign. You will see the best campaign ever waged in the Republic of the Philippines for we have no other than our chair of Lakas-CMD here, taking the cudgels for not just the party but for the UniTeam making sure that we will win this elections. Kaya very proud tayo,” wika pa ng solon.

Pinuri naman ni Romualdez si Duterte sa pagtatapos ng 28-araw na “Mahalin Natin ang Pilipinas Ride” na sinimulan nito noong Pebrero 1.

“What she says, she does. What she starts, she finishes,” sabi pa ni Romualdez. “True to form ginawa ni Mayor Inday Sara [ang caravan] that is why she is the most deserving she will be the best vice president the Philippines has ever had.”

Ang caravan ay nakaikot sa 34 probinsya sa Luzon, Visayas, at Mindanao.