Calendar
BBM nangunguna pa rin—survey
HALOS isang buwan bago ang halalan, nananatiling nangunguna si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa survey.
Ayon sa Pulso ng Pilipino survey ng The Issues and Advocacy Center (The Center) na ginawa mula Marso 7-13, runaway winner pa rin si Marcos sa paparating na halalan.
Nakakuha si Marcos ng 51 porsyento o lagpas sa kalahati gaya ng mga naunang survey.
Malayong pumapangalawa si Vice President Leni Robredo na nakakuha ng 21 porsyento.
Pumangatlo naman si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na may 10% at sinundan ni Sen. Ping Lacson na may 8 porsyento, at Sen. Manny Pacquiao na may 4 porsyento.
Si Ka Leody de Guzman ay may isang porsyento samantalang ang iba ay mas mababa na rito. Mayroon namang 3.25% na wala pang desisyon kung sino ang iboboto.
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,800 respondents na tinanong kung sino ang kanilang iboboto sa pagkapangulo.