survey

BBM nilampaso mga kalaban sa Pulse Asia survey

271 Views

UMABOT sa 33 porsyento ang kalamangan ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang pinakamalapit na kalaban sa pagkapangulo sa May 9 election.

Ayon sa resulta ng survey ng Pulse Asia, nakakuha si Marcos ng 56 porsyento samantalang si Vice President Leni Robredo ay 23 porsyento lamang.

Malayong pangatlo naman si Sen. Manny Pacquiao na nakakuha lamang ng 7 porsyento at sinundan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na amy 4 porsyento at Sen. Panfilo Lacson na naka-2 porsyento.

Isinagawa ang survey mula Abril 16 hanggang 21 gamit ang face-to-face interview sa 2,400 respondents.

Ang mga respondent na kinuha ay pawang 18 taong gulang pataas, rehistradong botante, at nagsabi na sila ay boboto sa paparating na eleksyon. Ang survey ay mayroong ± 2% error margin at 95% confidence level.