sara4

Mayor Sara lamang ng 37% sa pinakamalapit na kalaban

206 Views

MULING namayagpag si Davao City Mayor Sara Duterte sa pinakahuling vice presidential survey na isinagawa ng Pulse Asia.

Nakakuha si Duterte ng 55 porsyentong voter preference o mahigit triple ng nakuhang 18 porsyento ng pumapangalawang si Senate President Vicente Tito Sotto III o 37 porsyentong kalamangan.

Pumangatlo naman si Sen. Kiko Pangilinan na nakakuha ng 16% at virtual tie kay Sotto.

Sumunod naman si Doc Willie Ong na may 3 porsyento; Manny Lopez na may isang porsyento at House Deputy Speaker Lito Atienza na nakapagtala ng 0.5 porsyento.

Isinagawa ang survey mula Abril 16 hanggang 21 gamit ang face-to-face interview sa 2,400 respondents.

Ang mga respondent na kinuha ay pawang 18 taong gulang pataas, rehistradong botante, at nagsabi na sila ay boboto sa paparating na eleksyon. Ang survey ay mayroong ± 2% error margin at 95% confidence level.