Belmonte ipinag-utos na buwagin Task Force Disiplina
Oct 13, 2026
SOTTO LIGTAS SA CONTEMPT SA DESISYON NI LEONEN
Oct 13, 2026
Calendar
Provincial
BCCPS pinuri dahil krimen bumaba sa Batangas City
Jojo Cesar Magsombol
Aug 14, 2025
391
Views
PINURI ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang Batangas Component City Police Station (BCCPS) dahil sa mababang crime rate ng lungsod ngayong 2025 kumpara noong nakaraang taon.
Ayon kay Batangas City police chief P/Lt. Col. Ira Morello, kabilang sa kanilang mga accomplishment mula Enero hanggang Hunyo 2025 ang pagsasagawa ng 147 operasyon laban sa ilegal na droga kung saan 189 ang naaresto.
Umabot sa P6 milyon ang halaga ng kanilang nakumpiskang droga. Nakasamsam din ng 997.92 na gramo ng shabu at 1,065.28 na gramo ng marijuana.
Sa kampanya laban sa mga wanted persons, umabot sa 132 ang naaresto at 500 ang kanilang operasyon laban sa illegal na armas.
May 36 na tawag sa 911 hotline ng Batangas police ang kanilang tinugunan.
Crime incidents sa CL bumaba ng 14.6%
Oct 12, 2026

