Belmonte ipinag-utos na buwagin Task Force Disiplina
Oct 13, 2026
SOTTO LIGTAS SA CONTEMPT SA DESISYON NI LEONEN
Oct 13, 2026
Calendar
Source: FB/ Kap Melvin Abris
Provincial
Inhinyero patay sa pamamaril ng RIT, misis agaw buhay sa Koronadal City
Zaida Delos Reyes
Aug 13, 2025
440
Views
PATAY ang isang engineer habang sugatan naman ang misis nito makaraang pagbabarilin ng mga suspect na lulan ng motorsiklo nitong Miyerkules ng umaga sa Koronadal City, South Cotabato.
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Engr. Kesse Junsan habang kritikal naman ang asawa nitong si Maria Miguel Junsan.
Batay sa ulat ng PNP, naganap ang pamamaril dakong 7:00 ng umaga sa bahagi ng Donya Lourdes, Barangay Zone II, sa nasabing lungsod.
Lulan ang mga biktima ng kanilang sasakyan papasok sa bakuran ng kanilang bahay nang pagbabarilin ng mga suspect.
Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspect habang isinugod naman sa pagamutan ang mag-asawa.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
Crime incidents sa CL bumaba ng 14.6%
Oct 12, 2026

