Bea: Di laging kasal ang kahahantungan ng buhay ng bawat tao

Aster A Amoyo Dec 8, 2024
44 Views

INILAHAD ni Bea Alonzo na masaya siya ngayon sa kaniyang pagiging single, at sinabing hindi laging kasal ang kahahantungan ng buhay ng bawat tao.

Sa ulat ng Saksi, sinabing inamin ni Bea na may mga nagpaparamdam ngayon sa kaniya. ]

Hindi raw isinasara ng Widows’ War star ang kaniyang puso pagdating sa pag-ibig, ngunit wala siyang dine-date exclusively

Para kay Bea, importante sa kaniya ang strong connection, at hindi niya pini-pressure ang sarili pagdating sa pagpapakasal.

“Hindi naman marriage ‘yung laging endgame ng lahat. You know, maybe when you have different paths, you have different destinies and faith… I mean, if it happens, I’ll be happy, but it doesn’t mean that I would beat myself up if it doesn’t happen,” ani Bea.

Enero 2021 nang mapabalita ang relasyon nina Bea at Dominic. Ilang buwan makaraan nito, kinumpirma ng Kapuso actress ang relasyon nila ng aktor.

Hulyo 2023 nang maging engaged ang dalawa at napabalita ang kasal na gaganapin noong taon ding iyon.

Kasunod nito ang usapan-usapan na hiwalay na ang dalawa nang mapansin ng ilang netizens na hindi na suot ni Bea ang kaniyang engagement ring. Hanggang sa makumpirmang naghiwalay na ang dalawa.

Kyline ipakikilala na ni Kobe sa pamilya sa Amerika

IPAKIKILALA na ni Kobe Paras si Kyline Alcantara sa pamilya nito sa California sa susunod na taon.

Sa ulat ni Lhar Santiago sa “24 Oras,” sinabing ipakikilala na ni Kobe si Kyline sa panig ng pamilya ng ina nitong si Jackie Forster.

“I have a lot of family from my mom’s side in the States, so I would like them to meet Ky,” sabi ni Kobe.

Dahil dito, natanong si Kyline kung handa na siyang makita si Jackie.

“Definitely. Na-meet niya na po ang aking buong angkan, why not naman, ‘di ba? ‘Yung kaniya naman.”

Excited din si Kobe para sa pagtatagpo nina Kyline at Jackie.

“Not a lot of people have met my family from my mom’s side, so it’ll be exciting for me for them to meet Ky,” sabi ni Kobe.

Bukod dito, magdidiwang din sina Kyline at Kobe ng Pasko sa Bicol kasama ang pamilya ni Kyline.

Kinumpirma ni Kobe noong Nobyembre na dating sila ni Kyline.

Kasalukuyang bida si Kyline sa “Shining Inheritance.”

Samantala, sinabi ni Kyline na may bago rin siyang serye kasama ang isa pang Kapuso actress sa 2025.

“Mare ko siya, and I’m so happy na makakasama ko siya sa proyektong ito dahil alam ko, sa paggawa ng proyektong ito, marami akong matututunan sa kanya. Dahil idol ko siya ever since,” sabi niya.

Bianca ipinahayag ang pagmamahal kay Ruru

SA pagdiriwang ng kaarawan ng kaniyang nobyong si Ruru Madrid, inihayag ni Bianca Umali ang pagmamahal sa aktor at sinabing karapat-dapat ang binata sa mga tinatamasa nitong biyaya ngayon.

Sa Instagram, nag-post ang aktres ng video habang pinupupog siya ng halik ng aktor. Kalakip ng post ang sweet birthday message niya kay Ruru.

“Mahal na mahal kita,” panimula ni Bianca.

“Mahal ko, karapat dapat ka sa lahat ng mga biyaya sayo ng Ama, dahil mabuti ang puso mo. Tandaan mo, ako palaging una na tatalon at papalakpak para sayo sa lahat ng mga tagumpay mo,” sabi pa ng aktres.

Nagpasalamat din si Bianca kay Ruru sa pagmamahal nito sa kaniya. Nangako ang aktres na hindi niya iiwan ang nobyo.

“Ika mo nga – palagi natin pipiliin ang isa’t-isa. Habangbuhay. Maligayang kaarawan,” patuloy ni Bianca.

Inihayag naman ni Ruru ang pasasalamat sa aktres na tinawag niyang inspirasyon.

“Wala na akong hihilingin pa kundi ang makasama ka habang nabubuhay ako.

Maraming salamat sa pagmamahal at pagiging inspirasyon sa akin,” sabi ni Ruru sa comment section.

Nitong nakaraang July, ipinagdiwang nina Bianca at Ruru ang kanilang sixth anniversary.

Muling bibida si Ruru sa season 2 ng “Lolong,” na mapapanood simula sa Enero.

Mapapanood din si Ruru sa inspirational-drama movie na “Green Bones,” kasama si Dennis Trillo, na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Disyembre.