Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
everybodysing

Beauticians wagi ng P1M jackpot sa ‘Everybody Sing!’

Eugene Asis Sep 29, 2022
247 Views

everybodysingeverybodysingeverybodysingINULAN ng swerte ang pagbabalik ng “Everybody, Sing!” dahil buena manong nasungkit ng songbayanan ng beauticians ang jackpot prize na isang milyong piso noong Sabado (Setyembre 24).

Naka-ipon ng 80 segundo ang 50 player na beautician na nagamit nila sa jackpot round, kung saan nahulaan nila ang 10 titulo ng mga kantang pinatugtog ng bandang Six Part Invention.

“Deserve niyo ‘yan sa dami ng mga buhay na pinapaganda ninyo, sa dami ng mga mukhang pinapaganda ninyo, at sa dami ng mga damdaming pinapaganda ninyo. Congratulations. Bawat isa sa inyo tatanggap ng P20,000,” ani Vice Ganda matapos ang makapigil-hiningang paghula ng songbayanan sa ika-10 kanta na “Mahal Na Kita.”

Sa pangalawang episode naman ng “Everybody, Sing!” noong Linggo (Setyembre 25), nagwagi ng P70,000 ang mall sales clerks sa “Everybody, Sing!” matapos nilang mahulaan ang pitong kanta sa jackpot round.

Samantala, nag-trending din nationwide sa Twitter ang community singing game show ni Vice Ganda sa pagbabalik nito noong weekend. Nakapagtala rin ito ng 111,966 at 139,668 concurrent views noong Sabado at Linggo.

Orihinal na konsepto ng ABS-CBN ang community singing game show na “Everybody, Sing!” na naging nominado sa Venice TV Awards at Asian Academy Creative Awards noong 2021.

Ngayong Sabado at Linggo (Oct 1-2), ang magiging songbayanan naman ay mga kusinero at kusinera at Quiapo vendors. Manalo kaya sila ng jackpot prize? Abangan sa “Everybody, Sing!” tuwing Sabado at Linggo, 7 pm (Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z), 9:30 pm (tuwing Sabado sa TV5), at 9 pm (tuwing Linggo sa TV5). Available rin ito sa iWantTFC, at TFC IPTV. –Eugene Asis