Calendar
Bebot binoga, todas
PATAY ang babae sa pamamaril na kagagawan ng sinasabing drug suspek noong Martes, ayon kay Police Regional Office 5 director, Brigadier General Nestor C. Babagay Jr.
“We’re looking at personal grudge said to have been triggered by the two female victims’ alleged failure to remit their illegal drug proceeds to the suspect,” sabi ng official sa Journal Group.
Nangyari ang pamamaril sa Purok 4, Phase II, Barangay San Roque sa Tabaco City bandang alas 9:40 ng umaga.
Napatay sa pamamaril ang 30-anyos na si alias Daizy at nasugatan din ang nakilalang si Nerri, 35.
Idineklarang patay si Daizy sa ospital pero ginagamot pa ang isa pang biktima.
Ayon kay Brig. Gen. Babagay, nahuli ang suspek na si alyas Luis sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Edmundo Cerillo Jr.
Nahuli ang suspek sa bahay sa Brgy. San Roque 17 oras matapos ang pamamaril.

