Calendar
Guro sa daycare centers tinuruan ng gagawin pag may lindol, sunog
BAUAN, Batangas–Sumailalim sa dalawang araw na training at seminar tungkol sa fire prevention, earthquake at first aid application ang mga daycare workers at teacher-aides sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng bayang ito noong Oktubre 27-28 sa Bauan Technical Integrated High School.
Sa unang araw ng seminar, nagbahagi ng kanyang kaalaman si SFO1 Aldrin Amul kaugnay ng mga dapat gawin kung lumilindol. Nagkaroon din ng earthquake drill.
Sa kanyang presentasyon, nagbigay ng halimbawa ang bumbero ng ilan sa mga insidente ng sunog sa nagdaang panahon at paano maiiwasan ang mga ito.
Sa ikalawang araw, ibinahagi ni FO1 Jeffrey Polinag ang mga responsibilidad ng emergency medical responder (EMR) at itinuro din niya ang tamang pagbibigay ng paunang lunas o first aid.
Nagturo din ang mga resource persons ng tamang bandaging, mga rescue techniques, Heimlich maneuver, paggamit ng stretcher at pagsasagawa ng cardiopulmonary resuscitation (CPR).
Nagpapasalamat ang mga attendees sa mga resource persons sapagkat marami silang natutunan sa 2 araw na seminar.

