Bebot inaresto sa NAIA sa kasong qualified theft

Jon-jon Reyes Oct 15, 2025
264 Views

INARESTO ng mga operatiba ng MPD Barbosa Station. ang 59-anyos na bebot sa loob ng Ninoy Aquino International Airport nitong Huwebes dahil sa kasong gualified.

Nakilala ang suspek na si alyas Corazon, 59, at naninirahan sa Blk 4 Lot 15 Phase B Woodling Subdivision, Malagasang, Imus, Cavite

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Arwen DS Nacional, hepe ng MPD Barbosa Police Station14, bandang alas 11:05 ng tanghali ng arestuhin ang suspek ng mga operatiba sa pangunguna ni PCapt. James F. Dumangas.

ng warrant of arrest laban sa suspek ay inilabas ni Judge Janice R. Yulo-Antero, ng Manila Regional Trial Court Branch 16. Inirekomenda ang piyansang P40,000 para sa pansamantalng kalayaan ng suspek.

Samantala, natimbog din ng mga tauhan ni PLt.Col.Nacional ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng improvised na baril Linggo ng gabi sa kahabaan ng Quezon Blvd,Brgy 383 at Hidalgo Streets,corner Z.P de Guzman, Brgy 393 sa Quiapo, Manila.

Unang nalambat si alyas Gerry, 56, binata, miyembro ng Bahala na Gang, ng Carter Street, at si alyas Ancel, 32, miyembro ng BCJ, ng Basan St, Brgy 384, sa Quiapo.

Narekober sa bawat suspek ang improvised firearm na may live ammunition.

Kapwa nahaharap ang mga akusado sa paglabag sa RA 10591. Ire-refer sila sa Manila City Prosecutors Office para sa inquest proceedings.