Calendar
Bebot lagot sa P630K Kush sa Taguig
SWAK sa selda ang babaeng call center agent nang balikan ang iniwang pakete na naglalaman ng P630,000 na halaga ng Kush sa isang establisimyento noong Lunes sa Taguig City.
Iniwan ni alyas April ang pakete sa front desk ng establisimyento sa Brgy. Ususan noong Linggo ng gabi at nang hindi na binalikan ini-report na ito sa mga pulis.
Habang nasa routine patrol ang mga tauhan ni Southern Police District (SPD) director P/BGen. Rodel Pastor alas-11:30 ng gabi, nagpahiwatig ang K9 drug sniffing dog na may ilegal na droga sa loob ng pakete.
Nang buksan ang pakete, tumambad sa kanila ang 420 gramo ng high grade Kush.
Nagresulta sa pagkakadakip ng suspek ang pagbabalik niya sa establishment.
Dinala na ng mga tauhan ng Taguig Sub-Station 4 si alyas April sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig police para sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa Taguig City Prosecutor’s Office.
