Calendar
Manila City Hall admin sa mga kawani: Gadgets tanggalin sa saksakan, octopus wiring iwasan
INIUTOS ni Manila City Administrator Atty. Eduardo “Wardee” Quintos XIV sa lahat ng mga tanggapan sa loob ng Manila City Hall noong Lunes ang pagtanggal sa saksakan ng mga electronic na gamit pagtapos na ang trabaho, pagtiyak na aprubado ng Bureau of Product Standards ang mga gagamiting extension wire, iwasan ang octopus wiring at pag-charge ng mga gadget sa lugar na hindi madaling magliyab.
Kaugnay ito sa naganap na sunog sa opisina ng vice mayor ng Manila noong nakaraang linggo.
Inaatasan din ang mga kawani at opisyal na gumamit lamang ng microwave oven, electric kettles at coffee makers sa tamang lugar sa pantry at ipinagbabawal na ang pagluluto sa mga tanggapan.
Iniutos din sa mga kawani na alamin kung nasaan ang fire extinguishers at i-report ng maaga ang mga hindi wastong koneksiyon ng kuryente at dapat din may last inspection ng mga nakasaksak na electric devices at tiyaking naka-lock ang pintuan sa oras ng uwian
Nagmula sa mga nag-spark na lumang kable at saksakan ng refrigerator ang sunog na naganap kamakailan.

