Calendar
Ang mga suspek sa pag-carnap ng tricycle matapos matimbog sa Tondo, Manila at iniharap kay Manila Mayor Francisco Isko Moreno.
4 nalambat sa pagnenok ng tricycle sa Tondo
TIMBOG ng mga operatiba ng Manila Police District-Delpan Police Station 12 ang isang lalaki at 3 kasabwat sa umano’y pagtangay ng tricycle sa gate 2, Parola compound, Brgy. 20, Tondo, Maynila noong Sabado.
Nakilala ang mga nahuling suspek na si alyas John Ace, 24; Steve, 27; Nikko, 24; at JR, 20.
Bandang alas-2:05 ng madaling araw nawala ang pulang Honda Click ng biktimang si alyas Jonathan, 26, kaya inireport niya sa mga pulis.
Bandang alas-9:00 ng umaga ng Biyernes ng gagamitin na niya ang motor ng matuklasan niyang wala na ito sa pinagparadahan niya.
Isang saksi ang lumapit at nagsabing may apat na lalaking nakasakay sa isang tricycle na walang plaka ang kumuha ng sasakyan niya.
Nagsagawa ng beripikasyon sina Pat. Louie Verzosa, Pat. Jonathan Rualo, Pat. James Jameran at Pat. Mark Vincent Enriquez upang matukoy ang mga suspek kaya naaresto at nabawi ang tricycle na ginamit sa krimen.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Law) at dadalhin sila sa Manila Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings.

