Boga

Lalaki binoga sa ulo sa QC, nasawi

130 Views

PATAY ang 26-anyos na lalaki matapos barilin sa ulo ng hindi nakilalang suspek sa Brgy. Payatas A, Quezon City,

Dakong alas-1:40 ng madaling-araw ng makarinig ng putok ng baril ang isang testigo habang nasa loob ng bahay sa St. Beatriz St.

Pinuntahan ng saksi ang pinanggalingan ng putok at nakita ang biktima na duguan at may tama ng bala sa ulo.

Isinugod sa Rosario Maclang Bautista General Hospital ang biktima subalit idineklarang patay na dakong alas-1:55 ng madaling-araw.

Sa pagsisiyasat ng QCPD Forensic Unit SOCO Team, isang basyo ng bala ang narekober sa crime scene.

Ayon sa ina ng biktima, nakulong na ang kanyang anak dahil sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) at nakalaya noong 2024.