Bebot

Bebot nalambat sa P340K shabu sa Batangas

240 Views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Isang babaeng suspek na tulak ng ilegal na droga noong Miyerkules ang naaresto ng mga pulis sa Brgy. Ambulong, Tanauan City, Batangas.

Nadakip ang suspek na si alyas Roan, 41, ng mga miyembro ng City Drug Enforcement Team (CDET) ng Tanauan City police dakong alas-4:05 ng hapon, ayon sa hepe ng pulisya ng syudad.

Narekober sa suspek ang 50 gramo ng shabu na may standard price na P340,000 at buy-bust money.

Pinuri ni P/Col. Geovanny Emerick Sibalo, acting director ng Batangas police, ang mga operatiba ng Tanauan police.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Tanauan police habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).