Inuman Source: File photo

Inuman nauwi sa barilan; 2 tigok

Bernard Galang Jul 4, 2025
330 Views

DALAWANG lalaki noong Huwebes ang patay sa pamamaril ng nakatakas nilang kainuman sa Sitio Palale, Brgy. Paninirahan, Norzagaray, Bulacan.

Kinilala ng Bulacan police ang mga biktima na sina Jaymark Ocampo, 30; at Melencio Ocampo Jr., 40.

Kinilala naman ang dalawang nakatakas na mga suspek na sina alyas Gardo, 52; at Johnnie, 18.

Lumalabas sa imbestigasyon na nag-iinuman ang mga biktima sa bahay ng isa sa mga suspek.

Makalipas ang ilang oras, nakarinig ng putok ng baril ang mga kamag-anak ng biktima.

Nakita na lang na duguan si Jaymark kaya isinugod sa Norzagaray Municipal Hospital kung saan idineklarang dead-on-arrival.

Natagpuan din ng iba pang kaanak ang katawan ni Melencio na nagtamo rin ng mga tama ng bala.

Tumanggi ang pamilya ng mga biktima na ipa-autopsy ang mga biktima at sinabing kumbinsido silang binaril sila ng mga suspek.