Carnap Inaresto ng mga pulis ang suspek sa carnapping matapos mamataan sa Sta. Cruz, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

Bebot sabit sa carnapping, na-towing

Jon-jon Reyes Jun 17, 2025
19 Views

NAARESTO sa bisa ng warrant of arrest ang 25-anyos na dalaga dahil sa kasong carnapping noong Lunes sa Tambunting St., Sta. Cruz, Manila.

Ayon kay Police Lieutenant Alfredo Cabingas lll, hepe ng investigation na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel R A Guardaya ng District Special Operation ng Manila Police District, bandang alas-11:20 ng umaga ng isilbi kay alyas Alexandria Soffia ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Edgar Dalmacio Santos, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 222 ng Quezon City.