Nakaw NAHULI – Kinilala ni Police Major Fredwin Sernio, chief ng Intel and Warrant Section ng MPD Sta. Cruz Police Station 3, ang bebot na suspek na naaresto ng mga operatiba dahil sa kasong 89 counts ng qualified theft sa Norzagaray, Bulacan.

BEBOT TIMBOG SA 89 COUNTS NG QUALIFIED THEFT NG MPD

Jon-jon Reyes Dec 13, 2025
302 Views

ARESTADO sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Sta. Cruz Police Station 3 ang 41-anyos na bebot dahil sa kasong 89 counts ng qualified theft, matapos magsagawa ng operasyon hapon ng Biyernes sa Kaypiskal Street, Barangay Tigbe, Norzagaray, Bulacan.

Nakilala ang suspek na si alyas “Ivy” na residente ng Grace Park, Caloocan City.

Ayon sa report ng pulisya, bandang alas-3:45 ng hapon nang ikasa ang intelligence-driven tracking operation ng mga operatiba sa pamumuno ni Police Major Fredwin L. Sernio, chief ng Intel and Warrant Section, katulong si PLt. Hazel M. David na Duty Officer of the Day, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa nasabing lugar.

Ang suspek ay nadakip sa bisa ng arrest warrant, kaugnay ng mga kasong qualified theft, na inisyu ni Presiding Judge Richelle Lou S. Boling-Sanchez ng Manila Regional Trial Court Branch 47 noong Hunyo 30, 2025.

Ayon sa korte, may nakalaang bail ang akusado na P40,000 para sa 87 counts at P30,000 para sa two counts ng qualified theft.

Pinuri ni MPD Chief PBrig. Gen. Arnold E. Abad ang mga miyembro ng Sta. Cruz Police Station 3 sa matagumpay na operasyon.

Ang susepk na naaresto ay kabilang sa Top 10 most wanted person sa district level.