Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Knife

Bebot utas sa 25 saksak; salarin nakatakas

Edd Reyes Nov 19, 2024
159 Views

PATAY ang hindi pa nakikilalang babae dahil sa 25 saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan mula sa nakatakas na salarin noong Lunes sa Las Pinas City.

Dakong alas-12:00 ng tanghali ng masaksihan ng security guard ang pananaksak ng lalaking naka half-face helmet, itim na jacket at maong pants sa biktima sa open field ng Gatchalian Road, Brgy. Manuyo Dos.

Bago pa makahingi ng tulong sa pulisya ang testigong sekyu, nakatakas na ang suspek sakay ng motorsiklo patungo sa hindi nabatid na lugar.