Oath1 Pinapanumpa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sina Benguet Lone District Rep. Eric Yap at Benguet Gov. Melchor Diclas bilang mga bagong miyembro ng Lakas CMD Party sa isang simpleng seremonyas sa Social Hall ng Speaker’s office sa House of Representatives Myerkules ng hapon. Kuha ni VER NOVENO

Benguet Cong. Yap, Benguet Gov. Diclas nanumpa sa Lakas-CMD

95 Views

PORMAL ng nanumpa sina Benguet Rep. Eric Yap at Benguet Gov. Melchor Diclas bilang bagong mga miyembro ng Lakas-CMD.

Mismong si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang nanguna sa oath-taking ceremony ng dalawang opisyal kahapon.

Bunsod nito , umakyat na sa 103 ang mga kongresista na miyembro ng partido.

Sinabi ni Speaker Romualdez ang pagdami ng miyembro ng partido at nangangahulugan ng mas malawak na suporta para sa administrasyon ng Pangulong Marcos Jr.

Ani Speaker Romualdez, “Their leadership, experience, at commitment para magsilbi sa mamamayan ay sama-sama nilang isusulong para suportahan ang agenda at layunin ng Pangulong Bongbong Marcos, Jr. para isulong ang vision ng Bagong Pilipinas.”