NCRAA

Bestlink lusot sa LPU-Laguna

Robert Andaya Mar 20, 2024
305 Views

PINAYUKO ng Bestlink College of the Philippines ang Lyceum of the Philippines University-Laguna, 89-83, habang itinumba ng University of Luzon ang Emilio Aguinaldo College-Cavite, 97-85, sa magkahiwalay na laro sa 30th NCRAA basketball tournament sa Bestlink gymnasium in Quezon City.

Nagsanib pwersa sina Art Maravilla at Julito Estoya para sa 47 puntos para sa panali ng Kalasag ni coach Edwin Punio.

Umiskor si Maravilla ng 25 points sa 9-of-17 shooting at nagdagdag ng four assists habang nagtala si Estoya ng 22 points, nine rebounds, four assists at four steals para sa Bestlink.

Nag-ambag naman sina Louis Cu at Aaron Reyna ng 13 at 11 puntos, ayon sa pagkasunod.

Nanguna sina Jeff Gellamucho at Ivan Landicho sa losing effort ng LPU-Laguna ni coach Michael Sydiangco.

Si Gellamucho ay umiskor ng 24 puntos mula 10-of-17 shooting bukod pa sa six rebounds, habang si Landicho ay mag 23 puntos.

Si Emmanuel Duron ay nagtapos na may 11 puntos at 11 rebounds.

Sa the women’s division, winisng Philippine Merchant Marine School ang Bestlink, 75-65.

Namuno si Gienevere Sediego para sa PMMS ni coach Ralph Briones sa kanyang 20 puntos, 10 rebounds, five steals at four assists.

Nakatuwang niya si Eloisa Pagobo, na may 14 puntos at nine rebounds; at Mariella Salvador, Bea Pesito at Chelsea Mesina, na may 12, 11 at 10 puntos.

Si Ashley Estrabo ang nagdala ng laban ng Bestlink sa kanyang double-double na 19 puntos at 20 rebounds sa 32 minutes na aksyin sa pamumuno ni coach Edwin Punio.

Sina Ma.Claire Quinia at Grace Roca ay may 13 at 10 puntos.