BFAR: 5 probinsya positibo pa rin sa red tide

227 Views

Limang probinsya ang positibo pa rin sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide, ayon sa inilabas na advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

– coastal waters ng Milagros sa Masbate;

– Sapian Bay (Ivisan at Sapian), coastal waters ng Roxas City, Panay, President Roxas, at Pilar sa Capiz;

– coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol;

– Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur;

– Lianga Bay sa Surigao del Sur

Naalis sa listahan ang Matarinao Bay sa Eastern Samar, ayon sa BFAR.

Sinabi ng BFAR mapanganib ang pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at alamang mula sa mga nabanggit na lugar.