Calendar
Nagpasalamat ang pamunuan ng Brgy. 735 sa pamumuno ni Punong Barangay Alfredo B.Tan Sr. kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno Domagoso matapos ang pagbibigay ng parangal.
Bgy 735 nagpasalamat kay Mayor Isko dahil sa cleanup drive

NAGPASALAMAT ang Brgy. 735 sa pamumuno ni Alfredo Tan Sr. kasama ang kanyang mga kagawad kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno Domagoso sa parangal dahil sa Weekly Community Cleanup and Declogging drive program sa Maynila.
Nagsasagawa ng clean up drive ang mga kagawad, mga tanod at residente sa nasabing barangay tuwing Sabado.
Bahagi ng Tapat mo Linis mo ang clean up drive sa barangay.
Matatandaan ng nag bigay ng paalala si Yorme Isko na dapat mag-suot ng facemask sa mga batang Maynila.
Sa pamumuno ni Chairman Tan, kasama ang kanyang mga kagawad na sina Jon-Jon Reyes, Alfredo Tan Jr., Joemar Sualog Ryan Lugos Melchor Nava, Rijed Buenazedacruz at Jomarie Vicinte, SK Chairman Francheska Revaula, nag sagawa din ng feeding program ang Brgy. council para sa mga bata dahil sa ilang araw na walang
