BI: 10 inarestong dayuhan tanda ng maigting na pagpapatupad ng batas

Jun I Legaspi Jul 2, 2026
25 Views

IPINAHAYAG ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Viado na patunay ang pag-aresto sa 10 dayuhan sa Siargao island ng mas pinaigting na pagpapatupad ng batas sa imigrasyon.

Pinalawak ng BI ang pakikipagtulungan sa LGUs, law enforcement agencies at iba pang sektor para mas mapahusay ang pagtukoy at pag-uulat ng mga paglabag sa imigrasyon.

Binibigyang-diin na ang aksyon ng BI ay nakabatay lamang sa paglabag sa batas, hindi sa nasyonalidad, lahi, o relihiyon.

“Bukas ang bansa sa mga dayuhang sumusunod sa batas, ngunit ang mga lalabag at aabuso sa ating mabuting pagtanggap ay haharap sa deportation, blacklisting, at iba pang kaukulang aksyon ng pamahalaan.

Hindi lang trabaho ng Bureau of Immigration ang pangalagaan ang ating mga komunidad.

Kapag nagkakaisa ang pambansang pamahalaan, mga LGU, law enforcement, pribadong sektor, at mismong mamamayan, mas nagiging epektibo ang pagpapatupad ng batas at mas napapanatili nating ligtas, maayos, at kaaya-aya ang Pilipinas para sa lahat,” saad ni Viado.