Calendar
2026 budget magdaragdag ng 250 kama para sa mga CICL
SINABI ni Senate President Sherwin Gatchalian na magdaragdag ang 2026 national budget ng 250 kama sa buong bansa para sa children in conflict with the law (CICL) sa pamamagitan ng pagpapatayo ng limang bagong regional Bahay Pag-Asa facilities.
Ayon kay Gatchalian, ₱275 milyon ang inilaan sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development para sa unang yugto ng multi-year construction program.
Magkakaroon ng tig-50 kama ang bawat isa sa limang itatayong Bahay Pag-Asa facilities.
Nagbibigay ang Bahay Pag-Asa facilities ng residential care, intervention, at rehabilitation services para sa children in conflict with the law.
Sinabi ni Gatchalian na makatutulong ang pagpapalawak ng mga pasilidad upang mapabuti ang access sa wastong pangangalaga at rehabilitasyon para sa mga menor de edad na nangangailangan ng intervention services.
Binanggit niya ang kanyang karanasan bilang mayor ng Valenzuela City, kung saan sinabi niyang nakita niya ang papel ng Bahay Pag-Asa facilities sa rehabilitasyon ng children in conflict with the law at sa kanilang muling pagbabalik sa kanilang komunidad.
“Kapag maayos ang pagpapatakbo ng Bahay Pag-Asa, mas malaki ang tsansa na mabigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga kabataang naligaw ng landas,” sinabi ni Gatchalian.
Sinabi rin niya na patuloy niyang susuportahan ang pagpapatayo ng mas maraming Bahay Pag-Asa facilities kung maayos ang pagpapatakbo ng mga ito.
“Patuloy nating susuportahan ang pagpapatatayo ng mas maraming Bahay Pag-Asa facilities dahil kung maayos ang kanilang pagpapatakbo, mas malaki ang posibilidad na makabalik at muling makapamuhay nang maayos sa ating lipunan ang mga batang ito,” dagdag niya.
Sinabi ni Gatchalian na layon ng karagdagang pasilidad na palakasin ang rehabilitation at reintegration support para sa children in conflict with the law.
