Korean Natl Source; Bureau of Immigration

BI inaresto S. Korean nat’l na wanted sa telecom fraud

Jun I Legaspi Aug 24, 2024
99 Views

NAARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isa pang South Korean national na pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot sa telecommunications fraud.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang nahuling pugante na si Kang Hyeunok, 32-anyos, na inaresto sa Mactan, Lapu-Lapu City, Cebu ng mga miyembro ng fugitive search unit (FSU) ng BI.

Sinabi ni Tansingco na inaresto si Kang sa bisa ng deportation warrant na inisyu ng BI board of commissioners noong Oktubre 2021 para sa pagpapadeport sa kanya sa bansa dahil sa pagiging undesirable alien.

Idinagdag pa ni Tansingco na mahigit apat na taon nang overstaying sa bansa ang Koreano na huling dumating sa bansa noong Hulyo 2019 at hindi na umalis mula noon.

Nakapaloob din siya red notice mula sa Interpol dahil sa pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa kanya ng Suwon district court sa Korea noong Setyembre 13, 2019.

Si Kang ay sinasabing namumuno sa isang voice phishing syndicate na nag-operate mula noong 2017 at nakakuha na sa mga biktima nito ng higit sa US$840,000.

Ang mga telemarketeer ng sindikato ay iniulat na nagkunwaring mga bangkero at nagawang hikayatin ang mga biktima na ibigay ang personal na impormasyon na ginamit nila upang manlinlang at makakuha ng iligal na kita.

Si Kang ay isa nang undocumented alien dahil sa nakanselang pasaporte at nakakulong ngayon sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang naghihintay ng deportasyo