Taiwanese

BI inaresto Taiwanese na suspek sa pagnanakaw

Jun I Legaspi Feb 7, 2026
145 Views

NAARESTO ng mga Bureau of Immigration (BI) agents ang isang Taiwanese na pugante at may kasong pagnanakaw sa Pasay City noong Enero 28.

Inaresto ng mga ahente ng BI Fugitive Search Unit (FSU), sa pakikipagtulungan sa National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD), si Chien Wen-Chieh, 33, sa Roxas Boulevard, Pasay City alinsunod sa mission order mula sa mga awtoridad ng Taiwan.

May warrant of arrest ang suspek na inilabas ng Taiwan Miaoli District Prosecutor’s Office para sa kasong theft.

Huling pumasok si Chien sa Pilipinas noong 2023 bilang pansamantalang bisita ngunit nabigong palawigin ang kanyang visa kaya maituturing na overstaying at undesirable alien na siya.

Dinala si Chien sa Bureau of Immigration warden facility habang isinasagawa ang mga proseso para sa kanyang deportasyon.