Tansingco

BI nirerepaso inspection procedure sa mga bumibiyahe

Jun I Legaspi Jul 9, 2023
220 Views

NIREREPASO ng Bureau of Immigration (BI) ang ginagamit nitong pamamaraan sa pag-inspeksyon sa mga bibiyahe sa gitna ng mga reklamo kaugnay ng mga missed flight dulot ng mahabang pila.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na ipinag-utos ni BI Commissioner Norman Tansingco ang pagtugon sa mga reklamo ng mga bumibiyahe.

Inatasan din umano ni Commissioner Tansingco ang hepe ng travel control and enforcement unit ng BI na magsagawa ang imbestigasyon kaugnay ng mga reklamo at tiyakin na mapapatawan ng parusa ang mga tauhan na lumalabis sa paggamit ng kanilang otoridad.

“Kung may makita po, halimbawa, na lapses on the part of our personnel, then definitely po, the bureau will recommend to the Department of Justice appropriate sanctions against any erring immigration officer,” ani Sandoval.

Ang secondary inspection ng BI ay bahagi ng mga pamamaraan upang maharang ang tangkang human trafficking.

Sa naturang inspeksyon ay sinisilip umano ang mga paggamit ng mga pekeng dokumento at ang mga hindi pagkakatugma ng mga impormasyong ibinigay ng bibiyahe.