Registration

BI sa mga dayuhan: Magsumite ng annual report para sa 2026

Jun I Legaspi Jan 3, 2026
309 Views

PINAALALAHANAN ng Bureau of Immigration (BI) ang lahat ng dayuhan sa Pilipinas na magsumite ng annual report para sa 2026, alinsunod sa Alien Registration Act of 1950.

Ayon sa batas, lahat ng rehistradong dayuhan ay dapat mag-ulat sa BI sa loob ng unang 60 araw ng taon o hanggang Marso 1, 2026 para kumpletuhin ang online registration sa BI e-services portal at iprisinta ang mga sumusunod na dokumento: valid Alien Certificate of Registration Identity Card (ACR I-Card), pasaporte at original na resibo ng pagbabayad para sa AR ng nakaraang taon

Bukod dito, inanunsyo ng BI ang pagkakaroon ng virtual Annual Report system na bukas 24/7 para sa mga kwalipikadong dayuhan na nasa Pilipinas at may valid visa.

Maaaring kumpletuhin ng mga rehistrante ang proseso online at bayaran ang kaukulang fees sa pamamagitan ng Maya, GCash, credit card, o Landbank gamit ang BI e-services platform.

Binigyang-diin ng BI na lahat ng rehistradong dayuhan na aalis ng bansa ay kinakailangang tapusin muna ang kanilang Annual Report bago mabigyan ng Emigration Clearance Certificate (ECC-B), alinsunod sa mga umiiral na batas at regulasyon sa imigrasyon.

Ang hindi pagtupad sa Annual Report requirement ay maaaring magresulta sa administratibong multa o kasong kriminal, alinsunod sa umiiral na batas.

Para sa kumpletong listahan ng mga BI office na kasali at karagdagang impormasyon, pinapayuhan ang publiko na bumisita sa e-services.immigration.gov.ph.