BBM

Bibliya na ginamit ni PBBM sa panunumpa siya ring ginamit ni FM noong 1965

171 Views

ANG Bibliya na ginamit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang panunumpa noong Hunyo 30, 2022 ay siya ring Bibliya na ginamit ng kanyang ama na si Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong 1965.

Ayon sa National Library of the Philippines sumailalim sa repair at reconditioning ang naturang Bibliya.

“The National Library of the Philippines (NLP) is privileged to be part of the Presidential Inauguration of His Excellency President Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. by leading the repair and reconditioning of the Bible used during his oath-taking on 30 June 2022 at the National Museum of Fine Arts,” sabi ng NLP.

Si Marcos Jr, ay nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng bansa noong Huwebes sa National Museum of Fine Arts.

“The Filipiniana Division of NLP managed the cleaning and repair process of the same Bible used by his father, former President Ferdinand E. Marcos, who took his oath on two Bibles on 30 December 1965,” ayon sa NLP.