Manalo

Enrique Manalo napiling kalihim ng DFA

146 Views

ANG seasoned career diplomat na si Enrique Manalo ang napili ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Nanumpa sa tungkulin si Manalo kay Marcos sa Malacañang ngayong Hulyo 1. Papalitan ni Manalo si Teodoro Locsin Jr.

Si Manalo ay dating naging acting DFA secretary noong 2017 matapos na mabigo si Perfecto Yasay na makuha ang kumpirmasyon ng Commission on Appointment.

Si Manalo ay nagretiro sa Foreign Service noong 2018. Siya ay naging Philippine Permanent Representative to the United Nations sa New York mula 2020 hanggang 2022.