Martin1

Romualdez: Magiging mahusay na Pangulo si Marcos

Mar Rodriguez Jul 1, 2022
136 Views

IPINAHAYAG ngayon ni incoming House Speaker at Leyte 1st Dist. Martin G. Romualdez na magiging isang magaling at mahusay na lider ng bansa siPangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sinabi ni Romualdez na napatunayan sa nakalipas na 2022 Presidential elections na buong-buo ang suporta at pagtitiwala ng mamamayangPilipino para kay Marcos.

Ipinaliwanag ng mambabatas na nakuha ni Marcos ang mayorya ng mgaboto o “majority vote” mula sa mga Pilipino na nagtiwala sa kaniyangkakayahan na nangangahulugan na siya ang kauna-unang “majority President” sa kasaysayan ng Pilipinas.

“He made history by being the first majority President in modern times. I am sure he has eyes on other extraordinary feats by having a legacy Filipinos will be proud of for many years and by being a great President,” ayon kay Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na dalangin nito para kay Marcos ang gabay ngPanginoong Diyos para tulungan itong magampanan ang kaniyangtungkulin bilang bagong lider ng bansa.

Kabilang aniya sa mga problemang kakaharapin ng bagong Pangulo ay angsuluranin ng bansa kaugnay sa COVID-19 Pandemic, ang mataas na presyong gasoline at naghihikahos na ekonomiya.

“We offer him our prayers that the Lord Almighty guide him in steering the nation to unity and progress,” dagdag pa ni Romualdez.