DPWH

Bidding para sa Bataan-Cavite Interlink bridge gagawin ngayong taon

236 Views

MAGSASAGAWA ng bidding ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa civil works contract packages para sa P175-bilyong Bataan-Cavite Interlink Bridge ngayong taon.

Maaari naman umanong magsimula ang aktwal na konstruksyon ng proyekto sa unang quarter ng 2024.

Ayon kay DPWH Project Manager Engr. Teresita Bauzon ang proyekto ay mayroong anim na package. Ang detailed engineering design umano ng proyekto ay inaasahang matatapos na sa Hunyo.

Kasama na sa anim na packages ang para sa operations and maintenance (O&M) ng proyekto.

Ang pondo para sa proyekto ay uutangin sa Asian Development Bank at Asian Infrastructure Investment Bank.

Tatagal umano ng limang taon ang paggawa sa tulay na magiging pinakamahabang tulay sa bansa kapag natapos sa 2028.

Kamakailan ay pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang milestone ceremony ng proyekto sa Mariveles, Bataan.