Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
NDRRMC

Bilang ng nasawi sa pananalasa ng bagyong Egay, Habagat umakyat sa 25

205 Views

UMAKYAT na sa 25 ang bilang ng mga nasawi kaugnay ng pananalasa ng bagyong Egay at Hanging Habagat.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mayroon ding 52 nasaktan at 20 napaulat na nawawala.

Sa mga nasawi, 12 ang nangyari sa Cordillera Administrative Region, walo sa Ilocos, tatlo sa Calabarzon, at dalawa sa Western Visayas.

Nasa 2,397,336 katao o 654,837 pamilya ang naapektuhan ng bagyong Egay at Habagat sa 4,111 barangay sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, Bangsamoro, Cordillera, at National Capital Region.

Umabot naman sa 35,855 ang mga bahay na nasira.

Ang mga nasirang imprastraktura ay nagkakahalaga ng P3.5 bilyon at ang pinsala naman sa sektor ng agrikultura ay P1.9 bilyon.