Kris1 Kris Aquino

Bimby ‘di gusto’ si VG Mark para kay Kris

Eugene Asis Jun 30, 2024
17 Views
Mark
Batangas VG Mark Leviste

TOTOO palang break na sina Kris Aquino at Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Ito ay pinatotohanan ni Kris at bunsong anak nitong si Bimby sa huling interview sa kanila ng sikat na vlogger/entertainment columnist na si Ogie Diaz.

“Hindi sila nagkasundo nu’ng ex (boyfriend). Hindi niya (Bimby) gusto, eh,” natatawang sabi ni Kris.

Tumatawang sumabad si Bimby sa ina: “Are you saying that now mama? Okay mom, I’m trying to be polite.”

Sagot ni Kris, “Yes, I’m telling the truth (hindi okay sina Bimb at Vice Gov. Mark). It matters to me because he (Bimb) knows me best. Siya at si kuya (Josh), ‘yung opinion nila really matters.

“Most people would say na dapat ‘yung mga anak ang sumunod sa magulang, pero sa akin kasi they’re always be there and alam ko na ang pagmamahal nila sa akin is pure.

“Nagsabi si Bimb, ‘mama, I don’t think you really love him, I think you’re just sad’ at tumatak ‘yun sa utak ko, and yeah it’s true,” aniya.

Nobyembre, 2023 pa pala ay nagkakalabuan na sina Kris at VG Mark. Pinipilit daw itong ayusin ni VG Mark, pero walang nangyari. So, bago pa nag-birthday ni Kris noong Pebrero ay talagang hiwalay na sila kahit na gumawa pa ng paraan si VG Mark na gumawa ng isang video kung saan makikitang bumabati ang mga malalapit nitong kaibigan.

Totoo ba ang balita na may kapalit na si VG Mark sa puso ni Kris?

Sagot ni Bimby: “That’s up to mom to say, (voice over ni Kris: ‘Yes’), puwede (tanong ni Bimb) yes meron.

“Yes, he’s a very good guy (and) non-showbiz, medyo makulit lang but very good guy,” pagpapatotoo ni Bimb.

Hirit ni Kris, “Oh my God! He’s no makulit, Bimb. “Yes, definitely walang balikang mangyayari, February, March, April, May, June pa July na tayo, so, magpa-five months na ‘yan. Ang tagal na nu’n.”

“At para malaman ng tao, nagkalabuan na mula pa nu’ng November, sinubukang ayusin pero may mga nalaman ako na hindi ko gusto pero ayaw ko ng magsabi ng more than that despite of the reason, why part of the reason why it did not work ou because I’m at the stage in my life na mas gusto ko ng tahimik and the last post I had was back in May.

“I’d like to say na we’re still friendly but at a distance na. I kept quiet because mas matindi ‘yung treatment na pinagdaanan ko recently and ayaw kong ibalita sa mga tao na hirap ako, pagod ako, why should I burden people when everybody has their own burden na kailangan lang malagpasan,” ani Kris.

Ang nagpapasaya ng puso at inspirasyon daw ngayon ni Kris ay isang doktor na nandito sa Pilipinas. Ang sabi ng iba, kaya pala malakas ang loob ni Kris na magsabing gusto na niyang umuwi nmg Pilipinas dahil siniguro raw ng naturang doktor na magiging maayos ang lagay ni Kris kahit nasa Pilipinas.