MPBL Biñan-Quezon City game sa MPBL.

Biñan hindi maawat ng Quezon City

Robert Andaya Apr 29, 2024
106 Views

HOME sweet home para sa Biñan Tatak Gel Beast Motorcycle GameX.

Sa pangunguna nina high-flyer Poypoy Actub at Pamboy Raymundo, pinadapa ng Binan ang Quezon City TODA Aksyon, 72-53, para sa ika-dalawang sunod na panalo sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Season 6 basketball tournament sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna

Umiskor si Actub ng 11 points at nag-ambag si Raymundo ng 10 points para sa Biñan, na lumamang ng 55-25 sa huling bahagi ng third quarter.

Si Rafael Are ay may 11 points para sa Quezon City, na kasalukuyan na ngayong 2-2 win-loss record.

Ang naturang panalo ng Biñan ang ikatlong tambakang mga laro sa harap ng madaming mga manonood sa Laguna.

Una dito, pinataob ng defending national champion Pampanga Giant Lanterns ang Bicolandia Oragons, 120-93, para sa 3-1 record; at dinurog ng Davao Occidental Tigers ang Imus Agimat VA Drones, 132-68. para sa 2-1 record sa 29-team tournament.

The scores:

Biñan (72) — Actub 11, Raymundo 10, Rocacurva 9, Manalang 8, Pido 8, Estrada 7, Penaredondo 6, Alabanza 6, Gimpayan 4, Maestre 2, Canaleta 1, Anonuevo 0, Mangahas 0, Baetiong 0, Alonte 0,
Quezon City (53) — R. Are 11, Tibayan 9, Yambing 7, Mag-isa 7, Cauilan 6, Gesalem 5, Sawat 3, Roman 2, Ballesteros 2, Bienes 1, M. Are 0, Cosari 0, Mosqueda 0, Nimes 0, Tauto-An 0.
Quarterscores: 16-16, 39-21, 57-33, 72-53.