Davao Davao-Imus game sa MPBL.

Davao dinurog ang Imus

Robert Andaya Apr 29, 2024
78 Views

DINUROG ng Davao Occidental Tigers ang Imus Agimat VA Drones, 132-68; at itala ang isa sa mga pinakamalaking winning margins sa kasaysayan sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Season 6 basketball tournament sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna kamakailan.

Hindi nagpaawat sina James Martinez, Biboy Enguio, Dariel Bayla, Kenneth Ighalo at Kurt Lojera para sa Tigers, na lumamang mula simula hanggang matapos para sa kanilang 64-point winning margin laban sa Agimat.

Sina Martinez at Enguio ay umiskor ng tig 22 points, si Bayla ay may 17 points, si Ighalo ay may 14 at Lojera ay may 12 sa naging mainit na atake ng Tigers..

Nalasap ng Imus ang ika-apat na sunod na kabiguan sa kabila ng matinding 34-point explosion ni John Rey Sumido.

Nakakuha din ang Agimat ng 11 points mula kay Kenneth Estabillo at 10 points mula kay Christian Luengco.

Ang PBA legend na si Kenneth Duremdes ay tumatayong commissioner.

The scores:

Davao (132) — Martinez 22, Enguio 22, Bayla 17, Ighalo 14, Lojera 12, Mancao 9, Olayon 7, Arana 7, Sarangay 5, Andrada 5, Koga 5, Manzo 4, Tumalip 3, Nabong 0.
Imus (68) — Sumido 34, Estabillo 11, Luengo 10, Kadir 5, Punzalan 3, Aniban 2, Steinl 2, Nacino 1, Gimpayam 0, Tapenio 0, Enriquez 0, Camacho 0, Popovic 0, Malimban 0, Gonzales 0.
Quarterscores: 30-13, 70-34, 100-50, 132-68.