Binan narating ng dredging ops ng SMC

Gil Aman Nov 17, 2025
230 Views

NASA Brgy. Dela Paz at Malaban, Biñan City na ang dredging operation ng San Miguel Corp.

Pinuntahan ang dredging operations ng mga opisyal ng SMC at Laguna kasama si Mayor Gel Alonte.

Binantayan ni Gov. Sol Aragones ang dredging activity sa Brgy. Malaban kasama ang mga kinatawan ng SMC at tinalakay ang step-by-step na proseso ng dredging.

Binigyang-diin ng gobernadora na magpapatuloy siya sa pagbisita at pag-inspeksyon sa lahat ng lugar na nakatakdang i-dredge upang masigurong maayos at tuluy-tuloy ang pagsasagawa nito.

Ang matagal nang suliranin ng Biñan sa pagbaha ay tinutugunan na ngayon ng pinagsanib na hakbang ng iba’t ibang opisyal.

Ayon kay Mayor Alonte, matagal nang nararanasan ng mga residente ang problema sa pagbaha.

“Ito po ay matagal na naming hinihiling bago pa man po kami umupo. First time in the history na pinasok po ng tubig itong lugar na ito,” sabi ng mayor.

Ipinaliwanag niya na maraming mabababang bahagi ng Biñan ang matindi ang epekto tuwing may malakas na pag-ulan, kaya’t napakahalaga ng dredging bilang matagal ng hinihintay na hakbang.