Tauhan ng PRO 4A nagtipon para sa DPPA
May 30, 2026
Calendar
Provincial
MinOr gob humanga sa banda
Helen D. Prado
Nov 17, 2025
509
Views
ORIENTAL Mindoro–Kinaaliwan dito si Izumi Bae, Grade 2 pupil sa Lumangbayan Elementary School sa San Teodoro dahil sa husay sa pagtatanghal kasama ang grupong Old Town Pride Drums and Glockenspiel Band sa Drums ang Glockenspiel Band Competition noong Nobyembre 15.
Nakita ni Gob. Humerlito “Bonz” Dolor ang talento at husay ng bata kaya binigyan ng P5,000 at ipinangakong anumang hilingin nito ay kanyang ipagkakaloob.
Binigyan din siya ng bag at kumpletong set ng school supplies at allowance bilang suporta ng pamahalaang panlalawigan sa kanyang pag-aaral.
Mapalad din ang paaralan ni Izumi sapagkat ipinangako ni Gob. Dolor ang P5 milyong tulong para sa pagpapatapos ng mga pagawain sa eskwelahan.
Tauhan ng PRO 4A nagtipon para sa DPPA
May 30, 2026
Nagtatag ng Gawad Kalinga inaresto sa Bulacan
May 30, 2026
Pandesal vendor utas sa pamamaril
May 30, 2026
Kalsada sa Naujan ipinasemento; biyahe giginhawa na
May 30, 2026
