Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Shabu Source: File photo

Binaril na babae may shabu pala

Edd Reyes Jul 17, 2025
265 Views

NAKUHANAN ng shabu ang babae na binaril at dinala sa Caloocan City Medical Center sa Caloocan City.

Unang iniulat ng pulisya ang nangyaring pamamaril sa biktimang si alyas Josie pasado alas-5:00 ng hapon noong Martes sa harap ng Macario Asistio Sr. High School sa Pampano St. Dagat-Dagatan ng hindi pa kilalang suspek.

Isinugod sa pagamutan ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib subalit bago siya isailalim sa operasyon, narekober sa kanya ng attending nurse ang dalawang plastic sachet na may lamang shabu at isang cellular phone na inireport kaagad sa nagbabantay na pulis.

Ayon kay P/MSg Joel Bancure ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police, may kabuuang 1.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P10,200 ang nakuha sa ginang kaya’t mahaharap siya sa kasong Illegal Possession of Dangerous Drugs habang sinisiyasat naman ng Investigation and Detective Management Section (IDMS) ang kaso ng pamamaril sa kanya.