Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Isko1 Personal na nagtungo si Manila Mayor Isko Moreno sa Infanta bridge kung saan inabutan nito ang mga tauhan ng DPS kasama si DPS Director Kenneth Amurao na hinahakot ang basura mula sa estero. Kuha ni JONJON C. REYES

Yorme Isko binisita Infanta Bridge kahit may bagyo, Estero Rangers agad in action

364 Views

HINDI napigilan ng bagyo si Manila Mayor Isko Moreno nang personal na mag-inspeksyon sa Infanta Bridge sa Velasquez, Tondo noong Biyernes para alamin ang sitwasyon ng ilog sa lugar.

Nadismaya ang alkalde nang makita ang mga inaanod na basura na nagmumula sa mga estero at kanal sa paligid ng Velasquez St. na patunay na hindi pa bukas ang isipan ng marami sa wastong pagtatapon ng basura.

Kumilos ang mga tauhan ng Department of Public Service (DPS) at hindi binayaan na anurin na lang ng tuluyan ang mga basura matapos pakilusin kaagad nila ang kanilang mga “Estero Rangers” na kumakalap ng mga basura.

Nakatulong ang ipinalagay ni Yorme Isko na trash trap sa ilog na humaharang sa mga basura upang hindi mapunta at anurin patungong Manila Bay.

Sinabi pa ng alkalde na sa darating na panahon, umaasa siya na sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) malalagyan nila ng floating Sewage Treatment Plant (STP) na nakalagay sa isang barge ang naturang ilog na sasala sa maruming tubig upang malinis na patungong Manila Bay.

Tone-toneladang basura na ang nahahakot sa Maynila simula ng maging mayor uli ang dating artista noong Mayo 12. Nina JONJON C. REYES & EDD REYES