Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Patay

Binata, 20, inambush, tigok

236 Views

PATAY ang 20-anyos na binata matapos pagbabarilin sa tapat ng isang basketball court sa Quezon City, Martes ng gabi.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 10:00 ng gabi nitong Martes (July 22), nang mangyari ang pamamaril malapit sa basketball court sa Mangga St., Sitio San Roque II, Barangay Bagong Pagasa, sa lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg Christian D Loyola, paglabas umano ng bahay ng biktima ay agad siyang pinagbabaril ng ‘di pa nakikilalang suspek.

Agad isinugod ang biktima sa East Avenue Medical Center subalit idineklara na siyang dead on arrival bandang 10:35 ng gabi ng doktor.

Dumating ang SOCO Team mula sa QCPD Forensic Unit, sa pangunguna ni P/Maj. Eric Angay Angay at narekober sa pinangyarihan ng krimen ang anim na basyo ng bala ng ‘di pa batid na kalibre ng baril.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen sa posibleng pagkakakilanlan ng salarin.