Binata grinipuhan ng nakasalubong ng lasing, patay

52 Views

PATAY ang 21-anyos na binata nang pagtripan at pagsasaksakin ng nakasalubong at nakatakas na lasing na suspek sa Quezon City noong Linggo.

Nagtamo ng saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan si Alexander Matugas Taguinin ng 12 St., Francis Rivera St., Brgy. 163, Baesa, Caloocan City.

Ayon sa report, bandang ala-1:10 ng madaling araw ng mangyari ang insidente sa Ambuklao, Mendez Road, Brgy. Baesa, sa lungsod.

Katatapos lang umanong makipa-inuman ng suspek nang makasalubong ang biktima na napagtripan niyang asarin.

Nakipagtalo ang biktima hanggang sa bumunot ng patalim ang suspek at makailang ulit itong undayan ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan saka tumakas.

Lumabas sa cursory examination na nagtamo ng maraming saksak sa katawan ang biktima na ikinasawi nito.