Calendar
Arestado ng mga operatiba ng MPD Malate Police ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 matapos makorner sa San Andres St., Malate, Manila. Kinilala ni Police Lt. Col. Norman Patnaan ang suspek. JONJON C. REYES
Binate dinakip dahil nag-iingat ng baril
NATIMBOG ang 40-anyos na binata ng mga miyembro ng Manila Police District-Malate Police Station 9 (MPD MPS 9) sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa RA 10591 (illegal possession of firearms) sa tabi ng Malate Catholic Church sa Mother Ignacia St. kanto ng San Andres St., Brgy. 700, Zone 77, Malate, Manila noong Lunes.
Nakilala ang suspek na si alyas Fred, ayon sa report kay PLt. Col. Norman Patnaan, hepe ng Malate Police Station 9.
Bandang alas-2:30 ng hapon nahuli ang suspek ng ikasa ang operasyon sa pamumuno ni PLt. Arvin Calub.
Ang warrant ay inisyu ni Dinnah C. Aguila-Topacio, Presiding Judge ng Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 42, Manila.
Ang suspek ay kabilang sa talaan ng Top 5 Most Wanted Person (district level) at Top 1 Most Wanted Person sa (station level).
Nakadetine sa pasilidad ng Malate Police Station ang suspek.

