Inton

Binuong MC-TWG ng LTO walang naging pakinabang, ayon sa Commuter Safety and Protection Advocate

Mar Rodriguez Aug 11, 2023
218 Views

IPINAHAYAG ng “Commuter Safety and Protection Advocate” group sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Transportation na walang kinahinatnan o naging pakinabang ang binuong Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC-TWG) na pinangunahan ng Land Transportation Office (LTO).

Sa pagdinig ng Committee on Transportation, inilahad ni Atty. Ariel Inton, representative ng mga abogado ng CSPA, na wala umanong naging pakinabang ang MC-TWG sa ilalim ng LTO dahil nabigo silang ma-address ang mga reklamo at concerns ng mga motorcycles-for-hire.

Kasabay nito, kinuwestiyon din ni Inton sa ginanap na Committee hearing ang legality o legal personality ng MC-TWG na ang pangunahing tungkulin o responsibilidad ay ang suriin at pag-aralan ang operasyon ng mga motorcycle taxis sa ilalim ng isang pilot study na sinimulan naman noong 2019.

Gayunman, ipinaliwanag ni Inton sa pagdinig ng House Committee on Transportation na pinamumunuan ni Antipolo 2nd Dist. Congressman Romeo M. Acop na hindi nila mawari kung mayroong tinatawag na “legal personality” ang mga miyembro ng MC-TWG sapagkat ang mga reklamo ay hindi nila kayang aksiyunan.

“We don’t know what kind people the TWG is” It has no legal personality. At kapag may complaint naman duon, they could not decide and if they decide, ang tanong lang dito ay kung kaya na nila itong implement?” ayon kay Inton.

Dahil dito, binigyang diin pa ng abogado na napaka-limitado lamang ang kapangyarihan at scope of work ng TWG. Kaya nananawagan ang grupong CSPA sa Kamara de Representantes lalo na sa House Committee on Transportation para tignan ang pagkakatatag sa MC-TWG.

“In other words. That’s the problem now because the TWG was created, it was so limited as to the scope. Kaya po if we could recommend to Congress the bigger House na tingnan po natin iyong creation ng TWG,” sabi pa ni Inton.