Bautista

BIYAHE ng LRT 1, 2, MRT 3 pinalawig

155 Views

BILANG tugon sa pagdami ng mga pasahero ngayong kapaskuhan pinalawig ng Department of Transportation ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 at 2, at Metro Rail Transit 3.

Inutos ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang pagpapalawig ng oras ng biyahe ng tatlong railway system simula nitong Disyembre 20 hanggang Sabado, Disyembre 23.

Ayon kay Secretary Bautista, ang extended operating hours ng mga tren ay bilang tugon ng Kagawaran ng Transportasyon sa pangangailangan ng masasakyan ng mga pasahero ngayong Christmas rush

“Sa pagpunta ng mga tao sa mga party, reunion at iba pang gathering, ating ipalasap ang Christmas spirit na pagbibigay ng kasiyahan sa pamamagitan ng komportable, ligtas, at maaasahang transportasyon sa mga tren,” ani Bautista.

Para sa MRT-3, 10:30 PM ang extended last trip schedule sa North Avenue Station mula sa original last trip schedule na 9:30 PM, habang 11:05 PM ang extended last trip schedule sa Taft Avenue Station mula sa original last trip schedule na 10:09 PM.

Bandang 10:45 PM naman ang extended last trip schedule sa LRT-1 Baclaran Station mula sa original last trip schedule na 10:00 PM, at 11:00 PM ang extended last trip schedule sa Fernando Poe Jr. Station mula sa original last trip schedule na 10:15 PM.

Samantala sa LRT-2, 10:00 PM and extended last trip schedule sa Antipolo Station mula sa original last trip schedule na 9:00 PM, at 10:30 PM ang extended last trip schedule sa Recto Station mula sa original last trip schedule na 9:30 PM.