PNR

Biyahe ng mula Calamba hanggang Lucena balik na

229 Views

INANUNSYO ng Philippine National Railways (PNR) ang pagbabalik ng biyahe ng mga tren nito mula Calamba, Laguna hanggang Lucena, Quezon.

Ayon sa PNR alas-6:25 ng umaga ang biyahe ng tren nito mula San Pablo hanggang Calamba at alas-6:30 ng gabi naman mula Calamba hanggang San Pablo.

Mayroon na ring biyahe ng tren mula San Pablo hanggang Lucena ng alas-6:15 ng umaga at 5:50 ng hapon naman ang Lucena patungong San Pablo.