BBM

Paglilinaw ni PBBM: Walang ipatutupad na fishing ban

Neil Louis Tayo Sep 23, 2023
117 Views

NILINAW ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang ipatutupad na fishing ban ang gobyerno.

Sa panayam sa Iriga City, Camarines Sur nitong Sabado, sinabi ni Pangulong Marcos na ang kanyang nais sabihin ay magpapatupad ng fishing restriction sa mga breeding grounds ng mga isda.

“Hindi maganda ang pagkapaliwanag ko. Hindi fishing ban ang pinag-usapan ko. Ang sinasabi ko, kung saan ‘yung breeding area ng isda, huwag tayong mangingisda doon para dumami ‘yung isda,” ani Pangulong Marcos.

“Pero walang fishing ban. Hindi naman walang hanapbuhay ang tao. Padadamihin nga natin ‘yung isda. Dahil kausap ko kanina ‘yung mga mangingisda, sabi nila talagang nabawasan na ‘yung huli nila,” dagdag pa nito.

Iginiit ng Pangulo ang kahalagahan na maproteksyunan ang mga breeding ground ng mga isda upang magpatuloy ang suplay ng isda at hindi maapektuhan ang kita ng mga mangingisda.